AMBUSH INCIDENT | Isyu ng korapsyon, isa sa tinitingnang motibo sa pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan

Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez na posibleng konektado sa isyu ng korapsiyon ang pagpaslang kay Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.

Ayon kay Jimenez, hawak ng kanilang grupo ang isang impormante.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinabatid sa kaniya ng pamilya ng bise alkalde ang nangyayari rito sa konseho.


Giit naman ng kapatid ng biktima na si Meliza Lubigan, mula sa orihinal na opisina sa main building ng city hall, sa hiwalay na gusali nag-opisina ang kapatid.

Hirap din aniya ito na kumontra sa city hall kapag may nakikitang mga katiwalian.

Itinanggi naman ni Raymund Eguillo, chief of staff ni Trece Martires Mayor Melandres de Sagun na tinanggalan si Lubigan ng pondo at empleyado.

Dagdag pa ni Eguillos, mas malaking opisina pa nga ang pinagawa nila para sa vice mayor at makikita sa mga report ng Commission on Audit (COA) na walang korupsiyon sa kanilang bayan.

Facebook Comments