AMBUSH INCIDENT | NBI, sinimulan na ang parallel investigation sa pagpatay sa vice mayor ng Trece Martires, Cavite

Manila, Philippines – Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) Cavite ang kanilang parallel investigation sa pagpaslang kay Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.

Ayon kay James Tosoc, special investigator IV ng NBI Cavite, hawak na nila ang mga kopya ng CCTV kabilang na ang mismong footage habang nasa gym pa si Lubigan.

Bagaman politika ang isa sa anggulong tinitingnan ng Task Group Lubigan.


Iginiit ng NBI Cavite na hindi muna sila maglalabas ng iba pang impormasyon.

Sabi pa ni Tosoc, nakikipagtulungan rin sila sa Calabarzon PNP para makakuha ng mas maraming detalye sa pagpatay sa bise alkalde.

Facebook Comments