AMBUSH | La Union PNP, may isa nang person of interest sa pagpatay kay Mayor Buquing

Sinusundan na ng La Union PNP ang isang person of interest sa pag patay kay Mayor Alexander Buquing ng Sudipen, lalawigan ng La Union.

Yan ang kinumpirma ni Provincial Police Director Police Senior Superintendent Ricardo Layug sa eksklusibong panayam ng RMN Manila DZXL 558.

Kung maalala kamakailan papauwi na galing sa lamay ang nasabing alkalde ng pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng mga hindi nakilalang suspek sa bahagi ng Bangar.


Patay si Mayor Buquing, patay din ang pulis escort na si Rolando Juanbe at patay din ang driver na si Boni Depdepen.

Sugatan naman ang misis ng alkalde na si Wendy Joy na siyang bise alkalde ng Sudipen.

Ayon kay Police Senior Superintendent Layug, tukoy na nila ang isa sa person of interest sa pagpatay pero hindi muna maaring isapubliko para hindi masunog ang kanilang operasyon.

Politika, negosyo at personal na buhay ang mga posibleng motibo sa pagpatay na ngayon ay iniimbistigahan pa ng pulisya.

Samantala, nasa stable na kondisyon ang lagay ni Vice Mayor Wendy pero hindi pa ito nagbibigay ng karagdagang impormayon sa pulisya.

Facebook Comments