AMBUSH | Labi ni General Tinio, Mayor Ferdinand Bote, isinailalim na sa awtopsiya

Manila, Philippines – Isinailalim na sa awtopsiya ang labi ng napatay na si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ito ay matapos dinala sa RBM Funeral Homes sa Cabanatuan City ang labi ng alkalde.

Naghintay sa labas ng punerarya ang pamilya, kamag-anak at taga-suporta ng alkalde.


Nakatakda naman iuwi sa kanilang bayan sa General Tinio ang mga labi ng alkalde ngayong umaga.

Matatandaang pinagbabaril ng mga suspek na naka-motorsiklo sa loob ng sasakyan si Bote habang papalabas ito ng compound ng National Irrigation Administration (NIA) sa Cabanatuan City.

Facebook Comments