AMBUSH | Opisyal ng Brgy., tinambangan sa Tondo Manila

Tondo – Tinambangan ng apat na armadong suspek ang isang opisyal umano ng Brgy. na sakay ng Innova Silver gray sa Solis Street kanto ng Antipolo Tondo Manila.

Isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang hindi pa nakilalang biktima matapos tambangan ng hindi pa rin nakilalang salarin.

Wala pang linaw ang mga operatiba ng Station 7 ng MPD kung sinu-sino ang mga salarin at motibo ng pananambang.


Tinitingnan na ng mga operatiba ng Station 7 ng MPD ang CCTV sa lugar ng pinanangyarihan ng pananambang upang mabatid ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Facebook Comments