AMBUSH | Pamilya Parojinog, itinangging may kinalaman sila sa pagpatay kay Judge Pintac

86

Manila, Philippines – Itinanggi ng pamilya Parojinog na may kinalaman sila sa nangyaring pananambang kay Ozamiz RTC Judge Edmundo Pintac.

Sa pahayag ng nasuspending si Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog sinabi nito na nirerespeto nila ang desisyon ni Pintac na hindi sila pagbigyan ng kaniyang kapatid na si Reynaldo na makalabas ng kulungan para makadalaw sa kanilang magulang na napatay sa raid ng pulisya noong July 2017.

Giit pa ni Parojinog, wala silang mapapala sa pagpatay sa huwes.

Aniya, nag-inhibit na noon si Pintac sa kanilang mga kaso na ngayon ay hawak na ng Quezon City RTC.

Kasabay nito, nagpahatid ng pakikiramay ang pamilya Parojinog at umaasa aniya sila na mahuhuli ang nasa likod ng pagpatay kay Pintac.

Facebook Comments