Mariing kinondena Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang pananambang laban sa limang PDEA agents sa Lanao del Sur.
Sa isang statement, tinawag ni Aquino na isang sukdulang kalupitan at kaduwagan ang pagtraydor na pag-atake sa kaniyang mga tauhan.
Nangako si Aquino sa mga pamilya ng nasawing PDEA agents na mapapanagot sa batas ang may kagagawan ng ambush.
Aniya, mabibigyang karangalan ang pagkamatay ng lima nilang kasama sa pamamagitan ng pagpapakuta ng patuloy na determinasyon na tapusin ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan, mas magiging maigting ang gagawin nilang pagkilos upang hanapin at papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng illegal drugs sa bansa.
Facebook Comments