AMBUSH | PNP may persons of interest na sa pagpatay sa mga miyembro ng PDEA

207

May persons of interest na ang Philippine National Police (PNP) sa mga suspek na nasa likod sa pananambang sa mga miyembro ng PDEA noong nakaraang linggo sa Lanao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde sa isang press conference sa Camp Crame.

Ayon kay Albayalde, inutusan niya na rin ang Regional Director ng PRO-11 na paigtingin ang imbestigasyon sa insidente.

Isa aniya sa tinitingnan nilang motibo sa ambush ay may kinalaman sa anti-drug campaign ng mga otoridad sa nabanggit na lugar.

Matatandaang na sa 5 PDEA agents at isang NUP ang nasawi sa pananambang.

Sa inisyal na imbestigasyon galing umano ang mga biktima sa bayan ng Tagoloan matapos magsagawa ng isang anti-drug campaign pero nang pauwi na ang mga ito habang sakay ng puting Toyota van nang pagsapit nila sa Barangay Malna ay dito na sila pinagbabaril ng mga salarin.

Facebook Comments