Ambush sa Lanao del Norte, patunay na kailangan ang Cha-cha para ma-reporma ang edukasyon

Iginiit ni House Committee on Muslim Affairs Chairman at Lanao del Norte 1st District Representative Mohamad Khalid Dimaporo na ang naganap na ambush sa Lanao del Norte na ikinasawi ng anim na sundalo ay patunay ng kahalagahan na mareporma ang edukasyon sa bansa na makakamit sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Konstitusyon.

Nabatid ni Dimoporo na ang teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute ang nasa likod ng nabanggit na pananambang na kinabilangan ng mga edad 15 na hindi man lamang marunong magsalita ng tagalog dahil hindi sila nakapag-aral.

Ayon kay Dimaporo, mahirap na mareporma ang edukasyon dahil sa limitadong pondo kaya sa kailangang matupad ang economic Charter change upang mapayagan ang mga dayuhang mamumuhunan na pumasok sa bansa at tugunan ang problema sa edukasyon.


Naniniwala si Dimaporo na hindi matutugunan ng military solution lamang ang problema sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Diin ni Dimaporo, mainam na magkaroon ng access sa edukasyon ang lahat ng mamamayan sa BARMM lalo na ang mga kabataan upang maiwasan na ma-recruit sila ng mga teroristang grupo.

Facebook Comments