AMBUSH | Vice Mayor ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi, Patay sa pamamaril sa Zamboanga

Patay sa ambush ang Vice Mayor ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi na si Al-Rashid Mohammad Ali Lipae.

Alas 5:00 kaninang hapon, sakay ng kanyang sasakyan ang Bise Alkalde nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang mga suspek sa Governor Alvarez, Zamboanga City.

Tatlong tama ng bala sa dibdib at ulo ang tinamo ng biktima.


Naisugod pa sa ospital si Lipae pero bigo ang mga doktor na maisalba ang kanyang buhay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Samantala, ito na ang ikaapat na insidente ng pagpatay sa mga local official sa bansa sa loob lang ng dalawang linggo.

Facebook Comments