Magsisimula ng bagong kabanata ang Philippine Veterans Bank (PVB) matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11597 o Philippine Veterans Bank Act.
Nakasaad sa Philippine Veterans Bank Act, madadagdagan ang kapitalisasyon ng bangko bukod pa sa magiging shareholders na ang mga beterano ng World War, bukod pa sa magiging prayoridad na sila at kanilang pamilya.
Magiging epektibo ang RA 11597 sa darating na Enero 21.
“While the newly-signed charter aims to align salient provisions with banking standards and norms, major changes to the PVB Charter include the increase of capitalization from PHP 100 million to PHP 10 billion which will allow PVB to issue additional stocks, increasing the number of the Board of Directors to 15 from the present 11, and move its head office to Makati City which was previously located in Manila,” ayon sa pahayag ng PVB.
Sa pagbabago ng charter ng PVB, ikukunsidera na rin ‘beterano’ ang mga retirado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mapapanatili naman nito ang status na government depository bank kaya maari itong tumanggap ng deposito mula sa mga ahensiya ng gobyerno, Local Government Units (LGUs) at government corporations.
“On behalf of PVB’s Board of Directors, employees and staff, I would like to give our thanks to President Rodrigo Duterte for signing the “Philippine Veterans Bank Act” into law demonstrating once again his strong support of the veterans community for which veterans extend their gratitude. And we extend our gratitude as well to the authors and sponsors of RA 11597 for without them, this amended charter wouldn’t have become a reality,” ayon kay PVB Chairman at CEO Roberto F. De Ocampo.
Ang bagong PVB Charter ay ang konsolidasyon ng Senate Bill No. 2368 na inakda nina Senador Grace Poe, Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Franklin Drilon at ng House Bill No. 8164 na inakda nina House of Representatives Majority Floor Leader Martin Romualdez, Congresswoman Yedda Romualdez at TUCP Party list Congressman Raymond Democrito Mendoza.
Pinuri rin PVB ang pagpasa ng RA 11597 dahil ito ay magpapahintulot sa bangko na ipagpatuloy ang misyon at layunin nito na pagsilbihan ang mga Pilipinong beterano at kanilang mga pamilya.