American boxer Floyd Mayweather Jr., itinangging naghihirap na!

Itinanggi ni Retired American Champion Floyd Mayweather Jr. ang balitang naubos na ang kanyang yaman.

Ito ang reaksyon ni Mayweather matapos na ibinulgar ng Rapper at dating kaibigan nito na si Curtis “50 Cent” Jackson na ubos na pera ng boksingero kaya gusto na niyang muling lumabang sa ring.

Ayon kay Mayweather, kahit nagretiro na siya sa boksing ay patuloy ang kanyang ensayo upang mapangalagaan ang kanyang katawan kaya handa sila sakaling muling bumalik sa pagbo-boksing.


Binigyan diin ni Mayweather na hindi muna niya iniisip na lumabas sa pagiging buhay retirado.

Facebook Comments