
Arestado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ang 38 taong gulang na American citizen matapos nitong tangayin ang bag ng customer sa isang restaurant sa paliparan.
Ayon sa Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), agad na pumasok ng restroom ang Amerikano matapos nitong tangayin ang bag.
Unang napansin ng staff ng restaurant ang kahina-hinalang kilos ng dayuhan.
At nang makita mismo ang pagtangay nito sa bag sa customer, agad itong nagpasasaklolo sa mga awtoridad.
Nakita rin ng airport employee ang suspek habang hinahalukay nito ang bag sa loob ng restroom.
Nabawi sa kanya ang P26,000 na pera ng biktima at nakitaan din ng maliit na bolo ang suspek.
Facebook Comments










