American health service provider na Optum, maglalaan ng ₱800-M na medical BPO sa Pilipinas

Nasa ₱800 milyong pondo ang ilalagak ng American health service provider na Optum para sa itatayong medical business process outsourcing (BPO) sa Pilipinas.

Ito ang naging desisyon ng Optum matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Bongbong Marcos at sa delegasyon nito sa Washington, DC.

Ayon kay John Prince, president at COO ng Optum, nasa 1,500 na trabaho ang inaasahang malilikha sa bagong negosyo.


Nagpasalamat naman ang pangulo sa tiwala ng Optum.

Matatandaang noong Marso lamang, nakipagpulong ang Optum sa Board of Investments (BOI) at tinalakay ang proyektong itayo sa bahagi ng Davao.

Mula noong 2011, nakapagpondo na ang Optum ng ₱5.1 bilyong capital expenditure para sa apat na operating sites sa Taguig, Muntinlupa, Quezon City, at Cebu City.

Ang Optum ay nagbibigay ng serbisyo sa healthcare information management services, kasama na ang clinical, revenue cycle management, pharmacy services at benefit management, payment integrity, quality & risk adjustment, technology, at iba pa.

Facebook Comments