
Inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP – AVSEGROUP) personnel ang isang 38 years old na foreign national matapos magnakaw ng bag sa loob ng isang restaurant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Una rito, naaktuhan ng isang restaurant staff na nakakitang kinuha ng banyaga ang isang dilaw na bag sa mesa ng isang customer.
Sinundan naman ng store supervisor ang suspek nang dali-dali itong nagkalad papunta sa isang restroom sa ibang palapag ng terminal.
Sa loob ng restroom, nakita ng isang airport employee na kinakalkal ng banyaga ang bag kaya agad nang nakialam ang supervisor at nagpasaklolo sa mga awtoridad.
Agad namang dinan ng AVSEGROUP personnel ang suspek sa NAIA Police Station 3 at dito narekor sa suspek ang P26,200 cash, apat na bank notes at isang maliit na handwritten note mula sa biktima at isang itak na mayroong haba na 34.5cm.
Humaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art 308 ng Revised Penal Code o ‘Theft’ at paglabag sa BP No. 6 o pagdadala ng bladed weapon at sa ngayon ay nasa kustodiya ng NAIA Police Station 3 para sa inquest proceedings.










