Amerika at Australia, ginamitan din ng flares ng China ayon sa AFP

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi lang ang Pilipinas ang ginagamitan ng flares ng China kundi pati na rin ang pwersa ng Amerika at Australia.

Ayon kay AFP Chief General Romeo Brawner Jr., na ginagawa ito ng China upang magbigay ng babala sa kabilang panig.

Maituturing din aniyang escalation o pagpapalala ng tensyon ang pagpapakawala ng flares ng China sa eroplano ng BFAR sa Zamora reef.


Giit naman ni Brawner, kayang gumanti ng aircrafts ng bansa pero hindi nila ito ginagawa bilang pagsunod sa international law.

Ipagpapatuloy naman umano ang mga lehitimong operasyon sa karagatan sa kabila ng mga aksyon ng China.

Facebook Comments