Amerika, handang idepensa ang Pilipinas sa territorial issue sa South China Sea at sa iba pang rehiyon

Nagbigay ng commitment ang Amerika sa Pilipinas na ipagtatanggol ang bansa sa anumang territorial issue gaya nang sigalot sa South China Sea at sa iba pang rehiyon.

Pahayag ito ni United States Department of National Defense (DND) Secretary Lloyd Austin matapos ang pagpupulong nila ni Pangulong Bongbong Marcos sa Pentagon, Washington, DC sa United States of America ngayong araw o May 3.

Ayon sa kalihim, committed si US President Joe Biden na idepensa ang Pilipinas sa anumang territorial issue.


Sinabi pa ni Secretary Austin na nagpapasalamat siya sa nagpapatuloy na commitment ng Pilipinas para mas mapalalim ang alyansa sa pagitan ng pwersa ang Pilipinas at Amerika.

Samantala, sa panig naman ni Pangulong Bongbong Marcos, naniniwala itong magkakaroon nang magandang kinabukasan ang Pilipinas at Estados Unidos dahil sa pagkakaibigan at magandang samahan nang dalawang bansa.

Nagpasalamat rin ang Pangulo kay Secretary Austin at inihayag na isang karangalan ang maimbitahan ni US President Biden para sa official visit sa Amerika.

Facebook Comments