Kinumpirma ng Estados Unidos ang pagbisita ni Defense Secretary Lloyd Austin III sa Pilipinas.
Ayon sa US Department of Defense, aalis si Austin sa Amerika sa Enero 29 para magtungo sa South Korea at sa Pilipinas.
Sa kanyang pagbisita sa dalawang bansa, makikipagpulong si Austin sa mga opisyal ng pamahalaan at militar para isulong ang katatagan ng rehiyon at higit na palakasin ang defense partnerships sa Estados Unidos.
Tiniyak din ng Amerika na ang pagbisita ni Austin ay muling magpapatibay sa pangako ng Estados Unidos na makipagtulungan sa mga kaalyado nito sa pagsuporta sa pagpapanatiling bukas ang Indo-Pacific
Facebook Comments