Manila, Philippines – Iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na mas lalo lamang palalalain ng Amerika ang sigalot sa South China Sea.
Ito ay matapos alukin ni US President Donald Trump ang mga claimants sa disputed area na handa siyang mamagitan sa mga bansang naagawan sa nasabing teritoryo.
Giit ni Zarate, posibleng lalo lamang maging masalimuot at magulo ang sitwasyon sa South China Sea partikular sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea sa halip na kapayapaan at development ang ihatid ni Trump.
Ikinababahala ni Zarate na lilikha lamang ng deal si Trump para ungusan ang ibang mga claimants sa South China Sea.
Hiniling ni Zarate na ang dapat na ginawa ng Pangulo ngayong 31st ASEAN Summit ay igiit ang soberenya at ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.