Amerika, muling tiniyak ang suporta sa pagsugpo ng terorismo sa Pilipinas

Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan, nagpaabot nang pagbati at suporta ang Estados Unidos sa bansa.

Sa mensahe ni US Secretary of State Rex Tillerson, binabati nito ang Pilipinas sa ngalan ni US President Donald Trump at ng mamamayan ng Amerika.

Iginiit nito na katuwang ng bansa ang US, lalo na sa pagsugpo nito sa terorismo, lalo na sa kasalukuyang nangyayari sa Marawi City.


Nagpahayag din ito ng paghanga sa katatagan mga Pilipino sa pagsugpo at pagtatatag ng mas matibay na republika sa para sa hinaharap.
DZXL558

Facebook Comments