Amerika, nag-alok ng tulong sa Pilipinas kasunod ng pananalasa ng habagat at Bagyong Carina

Nagbigay ng simpatya ang Amerika sa mga naging biktima ng habagat at Bagyong Carina sa Pilipinas.

Sa pulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, personal na nag-alok ng tulong si US Secretary of State Anthony Blinken sa anuman daw ang kailanganin ng bansa.

Ayon kay Blinken, may matatag na relasyon ng US at Pilipinas kung saan saklaw ang malawak na usapin at layunin para sa pagpapahusay ng usaping pang ekonomiya at seguridad.


Sinegundahan naman ito ni US Defense Secretary Lloyd Austin na nagsabing higit sa pagiging alyansa ay pamilya ang turingan ng Pilipinas at Amerika.

May parehong values at interes din ang dalawang bansa at umaasang magpapatuloy pa ang pagiging magkatrabaho nila ng pangulo sa susunod na tatlo hanggang apat na taong relasyon.

Facebook Comments