Nagbigay ng mahigit 204 milyong pisong health assistance bilang tugon sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa ang Amerika.
Ayon sa US Ambassador na si Sung Kim, layunin ng US Defense Threat Reduction Agency’s Biological Threat Reduction Program na masuportahan ng ayuda ang laboratory system preparedness, case-finding at event-based surveillance, technical expert response at preparedness, risk communication, maging ang infection prevention sa Pilipinas.
Bukod dito, ay nagbigay din ang US ng 1,300 cots para magamit ng mga frontliners na patuloy na tumutulong, nagsasalba ng buhay at pinoprotektahan ang mga tinamaan ng sakit na COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments