Amerika, nagbigay ng technical training para sa mga Pilipinong medical techonologist kaugnay sa COVID-19 testing capabilities

Isinailalim sa dalawang linggong molecular biology training ang mga medical technologist sa Pilipinas para mas mapaganda ang COVID-19 testing capabilities.

Sa ulat ng United States Embassy, ang U.S. Department of Defense’s Philippines, Armed Forces Research Institute of Medical Sciences (AFRIMS) Virology Research Unit o PAVRU ang nanguna sa dalawang linggong pagsasanay ng apat na medical laboratory technologist.

Isinagawa ito mula June 1 hanggang June 12, 2020 sa Victoriano Luna Medical Center, ang pinakamalaking Philippine military medical facility.


Tinalakay sa pagsasanay ang biosafety, biosecurity, respiratory sample processing and storage, at COVID-19 testing techniques.

Bukod sa training, una nang nagbigay ng mga laboratory equipments at supplies ang PAVRU sa V Luna Medical Center, ito ay upang malabanan pa rin ang pagkalat ng COVID-19.

Sa ngayon, nakapag COVID-19 test na ang V Luna Medical Center ng 3,000 tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments