Kinumpirma ng US Central Command ang pagsasagawa nila ng airstrike laban sa Islamic State-Khorasan (ISIS-K) planner na responsable sa deadly suicide bombing sa Kabul airport sa Afghanistan.
Ayon kay US Central Command Spokesman Capt. Bill Urban, ikinasa nila ang isang over-the-horizon counterterrorism operation laban sa ISIS-K planner sa Nangarhar Province kung saan may mga indikasyon na napatay ang target.
Maliban sa target, wala namang naiulat na nasawing sibilyan.
Ang ikinasang airstrike ay nangyari isang araw matapos ang pahayag ni US President Joe Biden na hindi niya palalagpasin ang nangyaring terrorist attack sa Kabul International Airport kung saan 13-US Service member at 170 iba pa ang nasawi.
Facebook Comments