Amerika – nagpaliwanag sa imbitasyon ni US President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte

World – Nagpaliwanag ang Amerika kaugnay saimbitasyon ni US Pres. Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisitasa White House.
  Ayon kay White House Chief of Staff Reince Priebus –naniniwala siyang may kinalaman sa tensyon sa Korean peninsula ang pagtawag ni Trumpkay Pangulong Duterte.
  Aniya, nakakabahala ang mga development sa North Korea atkailangan ng US ang kooperasyon sa lahat ng level sa mga kaalyado o partners sarehiyon.
  Inihayag naman ng White House na sa kabila ng madalas napagbatikos sa kanila ni Pangulong Duterte, naniniwala silang nakatulong sina Duterteat trump para dalhin sa positibopng direksyon ang Philippines-US relations.
  Matatandaang matapos ang ASEAN Leaders Summit noong Sabado,nagsagawa ng ‘friendly call’ kay Pangulong Duterte si Trump kung saan tinalakayang anti-drug war ng Pilipinas at alyansa ng dalawang bansa.
   

Facebook Comments