Amerika, nakapagbigay na ng 5.5 milyong dose ng Pfizer COVID-19 vaccine sa Pilipinas sa unang linggo ng Oktubre

Aabot na sa 5,575,050 doses ng the Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ang nai-deliver sa Pilipinas ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility sa unang linggo ng Oktubre.

Batay sa ulat ng US Embassy, ang bakuna ay dumating sa bansa sa limang magkakahiwalay na shipment sa Manila, Cebu at Davao mula October 1 hanggang October 6.

Ito ay bahagi ng 500 milyong dose ng Pfizer vaccine na inilaan ng Amerika para sa patas na pandaigdigang distribusyon sa pamamagitan COVAX facility.


Sinamahan ni US Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires, ad interim (CDA) Heather Variava ang mga opisyal ng gobyerno sa pagsalubong sa mga bakunang dumating sa Maynila kamakailan.

Sa pamamagitan ng tulong ng Estados Unidos, na pinakamalaking donor sa COVAX facility, mahigit 21.6 na milyong dose ng bakuna ang nai-deliver sa Pilipinas, kabilang dito ang 8.8 milyong dose na donasyon ng mga Amerikano.

Facebook Comments