Amerika, pinutol na ang security at military aid sa Cameroon

Pinutol na ng amerika ang milyong halaga ng security at military aid nito sa Cameroon.

Ito ay dahil na rin sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng paglabag sa karapatang pantao ng ginagawa ng nasabing bansa.

Tatanggalin ang nasa mahigit $17 million na security aid, kabilang ang radar funds, apat na defender-class patrol boats, siyam na armored vehicles, training programs para sa c-130 airplanes at helicopters.


Maging ang pagiging kandidato ng Cameroon bilang state partnership program ay aalisin na rin ng Amerika.

Facebook Comments