Amerika, pumalag sa banta ng North Korea na palulubugin ang US aircraft carrier

World – Hindi pinalagpas ng Amerika angbanta ng North Korea na kanilang palulubugin ang US aircraft carrier.
  Ayon kay Pentagon Spokesman Gary Ross – dapat iwasan ng NorthKorea ang anumang pagbabanta para hindi pa lalo lumala ang hindi pagkakaintindihanng dalawang bansa.
  Tiniyak din nito na nanatili ang US sa pagbibigay ngtugon sa nuclear threat ng North Korea.
  Pinandigan din ni Ross na patuloy ang kanilang pagdepensasa South Korea at Japan mula sa North Korea na kasalukuyang nagsasagawa ngmilitary drill.

Facebook Comments