Nasa panig ng Pilipinas ang Estados Unidos.
Tiniyak ito ng embahada ng Estados Unidos sa pamamagitan ng isang statement, kaugnay ng presensya ng mahigit 200 barko ng China na nagtitipon sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.
Ginawa ng embahada ang pahayag makaraang magsampa ng diplomatic protest si Department Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin laban sa China at matapos din ang panawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China na i-recall ang kanilang mga barko na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sa statement, nakasaad na ang mga barko ng China ay umaangkla sa naturang lugar sa mga nagdaang ilang buwan at patuloy na dumarami kahit maganda ang panahon.
Taliwas ito sa pahayag ng China na sumisilong lang ang mga barko dahil sa sama ng panahon.
Ayon pa sa US Embassy, ginagamit ng China ang kanilang maritime militia para i- “intimidate”, i-“provoke” at i-“threaten” ang ibang mga bansa na nakaaapekto sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Kaya naman sa pahayag ng embahada, nakikiisa sila sa “concerns” ng Pilipinas.