Amerikano na tumakas patungong Pilipinas, nakaditine na sa warden facility ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City

Nakaditine na sa Bureau of Immigration (BI) warden facitlity sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habag naghihintay ng kanyang deportation proceedings ang American national fugitive na pinaghahanap sa Texas, sa Estados Unidos matapos mapag-alaman na tumakas ito papunta dito sa Pilipinas.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nahuli si Aphrodite sa pamamagitan ng isang misyong inisyu nito dahil request sa US embassy na humingi ng tulong ng BI para sa pagtunton at pagkaaresto nito dahil sa mga paglabag nito sa penal code ng Texas.

Kinilala ang sinasabing American fugitive na si Myklr Aphrodite, 43 anyos, na nahuli ng mga kawani ng fugitive search unit (FSU) ng BI nitong Huwebes lamang sa kahabaan ng Roxas Blvd., sa Ermita, Maynila.


Samantala, isasama na ang pangalan ni Aphrodite sa blacklist ng Immigration at iba-ban na mula sa pagpasok pa dito sa Pilipinas.

Facebook Comments