Amerikanong naglagay ng mali-maling impormasyon sa eTravel, pinigilang makapasok ng Pilipinas

Isang 34 anyos na Amerikano ang hindi pinapasok sa Pilipinas ng Bureau of Immigration (BI) matapos nitong bastusin ang eTravel System ng Pilipinas.

Kinilala ang dayuhan na si Anthony Joseph Laurence.

Nabatid na pahagis din nitong ibinigay ang kaniyang passport at mobile phone sa immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.


Natuklasan din ni Immigration agent na hindi nito sinulat ang kanyang tunay na pangalan sa eTravel at hindi sinagutan nang maayos ang mga katanungan.

Bunga nito, agad siyang pinabalik sa kanyang pinanggalingang bansa na Thailand.

Awtomatiko na rin siyang blacklisted at hindi na makapapasok ng Pilipinas kahit kailan.

Facebook Comments