Amerikanong pedophile, naaresto Sa NAIA

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang American Pedophile matapos nitong katagpuin ang kanyang menor de edad na biktima.

Ayon kay Bienvenido Castillo, pinuno ng BI-NAIA’s Border Control and Intelligence Unit (BCIU), galing sa Pudong, China ang 43-year-old na si Piotr Kmita at lumapag ito sa NAIA Terminal 1 sakay ng China Eastern Airlines.

Aniya, humingi sa kanila ng tulong ang mga ahente ng US Government’s Homeland Security Investigation (HSI) para imonitor ang galaw ni Kmita.


Nadiskubre kasi ang mga conversation ng nasabing dayuhan sa batang biktima sa Social Media.

Sabi naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente, kailangan munang tapusin ni Kmita ang deportation proceedings sa bansa.

At sakaling mapatunayang guilty, kailangan niyang pagdusahan sa bansa ang kanyang ginawang krimen bago ipadeport pabalik sa Amerika.

Nahaharap si Kmita sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.

Facebook Comments