Amerikanong pumatay kay Jennifer Laude, posible ring makalaya!

Umalma naman ang kampo ni pinatay na Pinay transgender na si Jennifer Laude sa posibleng paglaya sa Amerikanong sundalong pumatay sa kanya.

Matatandaang pinatay ni US Marine 1st class Joseph Pemberton si Laude sa isang motel sa Olongapo noong 2014 at hinatulan ng 10 taong pagkakakulong.

Ayon sa abogado ng kampo ni Laude na si Atty. Harry Roque – posibleng mag-apply ng good conduct time allowance si Pemberton.


Pero tiniyak ni Roque na haharangin nila ang posibleng hakbang ng kampo ni Pemberton na mapalaya siya ng maaga.

Facebook Comments