Amerikanong wanted sa kasong rape at kidnapping sa US, arestado ng Bureau of Immigration

Nakatakdang ipadeport ng Bureau of Immigration ang isang Amerikanong wanted sa kasong rape sa Alaska.

 

Ang 57-anyos na American national  na si Carmen Daniel Perzechino Jr. ay naaresto ng BI matapos itimbre   ng US Embassy sa Immigration.

 

Si Perzechino ay dumating sa bansa noong February 11, 2019 para takasan ang kanyang arrest warrant sa Amerika.


 

Kinansela na ng US Government ang pasaporte ni Perzechino at

Nakatakda na ring ilagay sa blacklist ng BI ang naturang dayuhan para hindi na makabalik pa ng Pilipinas.

Facebook Comments