Amerikanong yoga instructor, inaresto dahil sa pang-aabuso sa mga menor de edad

Manila, Philippines – Bago pa man makapang biktima ng mga menor de edad na Pilipina.

Naaresto sa NAIA ng mga tauhan ng PNP Women and Children Protection Center ang isang singkuwentay otso anyos na amerikanong yoga instructor.

Kinilala ni Supt. Shiela Portento ang suspek na si Robinson Hoyt Alderman na isang US National na labas pasok na sa bansa.


Nabatid na inalerto ng US Homeland Security ang PNP WCPC kaugnay ng online sexual exploitation of children kung saan kontak ng suspek ang ilang menor de edad at nakikipag kaibigan siya dito

Nabatid na istilo ni Alderman na gamitin ang naging social media para makapag samantala ng mga menor de edad.

Ayon pa kay Supt. Portento modus ng suspek pupuntahan niya ang kanyang mga target na biktima aakitin ng malaking halaga at gagawan ng kahalayan.

Matapos na madakip ang suspek nakuha dito ang ilang sex toys at lap top computers at electronic gadget.

Na-rescue naman ng PNP WPCP ang kinse anyos na bibiktimahin sana ng banyaga at ang dalawa pang menor de edad.

Facebook Comments