
Hindi pa tapos ang Amihan season o Northeast Monsoon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kabila nito, umiiral din sa buong bansa ang easterlies na nagdadala ng mainit at tuyong panahon.
Ayon kay PAGASA , Weather Services Division Assistant Chief Analiza Solis, nararanasan pa rin ang malamig na panahon sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.
Pagsapit ng weekend, muli umanong bubugso ang Amihan na maaaring umabot hanggang Central Luzon. Gayunman, posible aniyang tuluyan nang matapos ang Amihan season sa susunod na linggo.
Pinaghahanda na rin ng PAGASA ang publiko sa pagpasok ng tag-init, lalo na ang mga nagtatrabaho sa labas.
Nararanasan na aniya ang mas mainit na panahon sa Iloilo City at Palawan.










