Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang patuloy na pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan at ng trough o extension ng low pressure area.
Bahagyang maulap na papawirin na paminsan-misan ay maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maliban sa Palawan dahil sa Amihan.
Habang ayon sa PAGASA, low pressure area ang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga at Davao Oriental.
Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang papawirin sa Palawan, Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao dahil naman sa localized thunderstorm.
Inaasahan din ang isolated rain shower na may kasamang pag-ulan at pagkulog sa mga nabanggit na lugar.
Facebook Comments