Amihan, patuloy na iihip sa Extreme Northern Luzon; Easterlies, magdadala ng mainit na panahon sa bansa

Patuloy na iiral ang hanging amihan sa Extreme Nothern Luzon habang easterlies ang magdadala ng maalinsangang panahon sa bansa ngayong Sabado.

Ayon sa PAGASA, magdadala ang amihan ng mahihinang pag-ulan sa Batanes, Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.

Makararanas naman ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao kung saan posible ang pagbaha at landslide sa Northern Mindanao, Caraga at Davao Region.


Magiging maulap hanggang bahagyang maulap naman sa Visayas at Palawan habang magandang panahon ang aasahan sa Metro Manila.

Facebook Comments