Amihan, patuloy na magpapaulan sa Luzon ngayong araw – PAGASA

Patuloy na makaaapekto sa Luzon ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Ilocos Norte, Aurora at Quezon.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maliban sa Palawan ay makararanas na bahagyang maulap hanggang sa paminsan-minsang maulap na papawirin at mahihinang pag-ulan.


Samantala, localized thunderstoms naman ang iiral sa Palawan, Visayas at Mindanao kaya asahan na ang isolated rain showers o thunderstorms.

Facebook Comments