Amihan season, opisyal nang nagsimula ayon sa PAGASA

Opisyal nang nagsimula ang Northeast Monsoon o Amihan season.

Ito ang idineklara ng PAGASA matapos ma-monitor ang malakas na northeasterly winds sa Northern Luzon na dulot ng paglakas ng high-pressure system sa Siberia.

Nagkaroon din ng paunti-unting paglamig sa northeastern part ng Luzon.


Dulot nito, asahan ang pagiging dominante ng northeasterly wind flow na magdadala ng malamig na panahon.

Facebook Comments