AMINADO | 2 naarestong suspek sa pagpatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote umamin na binaril ang alkalde

Manila, Philippines – Umamin na mismo ang dalawang naarestong suspek sa pagpatay kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote na binaril nila ang alkalde noong July 3 sa Cabanatuan City.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya ang suspek na si Robert Gumacay ay umamin sa harap ng abogado habang si Florencio Suarez ay walang abogado nang magself-confess.


Kinumpirma rin ni Albayalde na 4 hanggang walong baril ang nakuha sa dalawang suspek karamihan aniya dito ay 45 kalibre armas.

Pero ang ginamit aniya ng dalawang suspek sa pamamaril kay Mayor Bote ay hindi rehistrado.

Natukoy na rin ng PNP ang nag-utos sa dalawang suspek para patayin si Mayor Bote pero hindi pa ito pinangalanan ni PNP Chief.

Aniya sa ngayon subject na ito sa kanilang manhunt operation.

Mas nagiging matimbang naman ang motibong away sa negosyo ang dahilan ng pagkamatay ni Mayor Bote.

Facebook Comments