AMINADO | Andrea Torres, nakatulong daw ang kaniyang religion para ma-handle ang bad vibes sa buhay

Aminado ang aktres na si Andrea Torres na nakatulong sa kaniya ang pagiging Born Again Christian para ma-handle ang mga bad vibes na dumadating sa kaniyang buhay.

Isa na dito ang mga pamba-bash na kaniyang natatanggap lalo na nang maging kapareha niya si Alden Richards.

Say ni Andrea, kailangan lang niyang ipag-pray ang mga ito at panatiling matatag kung saan ganito daw talaga ang takbo ng isang artista kapag pumasok sa showbiz.


Dagdag pa ng aktres, nasasaktan din siya minsan sa mga negative comments ng ilang netizen subalit sa tulong na din ng kaibigan at pamilya ay nakakayanan niya ito.

Facebook Comments