Manila, Philippines – Aminado si Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde na may problema sa paraan ng recruitment partikular sa background investigation na ginagawa para sa mga aplikante ng PNP.
Ito ay matapos na maaresto ang tatlong pulis na nagpanggap na mga PDEA agents para lamang makapangikil na kinilalang sina PO1 Radam Manglicmot, PO1 Edmar Cayanan at PO1 Jeff-Pee Calaguas mga nakatalaga sa Anti Crime Office ng Manila Police District.
Ayon kay General Albayalde, iniutos nya na sa kanyang pagupo bilang hepe ng pambansang pulisya ang pagpapagting at pagpapahusay sa pagsasagawa ng background investigastion.
Madalas kasi aniyang paraan sa pagsasagawa ng background investigation ay tinitingnan lang ang diploma, kino-confirm saan nagtapos ng pagaaral ang aplikante, at kung walang kaso sa Regional Trial Court o Municipal Trial Court.
Sa bagong proseso aniya pinapapirma ang pulis na nagsagawa ng background investigtion sa aplikante dahil kapag kalaunan napatunayang may kaso pala ang aplikante na naaprobahang makapasok sa PNP babalikan ang pulis na nagsagawa ng background investigation at kasama ito sa mananagot.