Aminado si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na posibleng kulangin na ang pondo nila para sa rehabilitasyon ng probinsya.
Matatandaang ilang linggo bago tumama ang bagyong Ompong sa Ilocos Region may nakataas na talagang state of calamity sa lugar dahil sa malawakang pagbaha roon bunsod ng habagat.
Katunayan aniya, hindi pa sila lubusang nakakabangon mula sa epekto ng habagat ay nasundan agad ng bagyo.
Dagdag pa ni Governor Marcos, pinakamalaking pinsala ng bagyo ay sa agrikultura ng probinsya kung saan posibleng umabot hanggang P2.4-billion ang danyos.
Hindi pa kasama rito ang pinsala sa imprastraktura.
Facebook Comments