AMINADO | DENR, aminadong may pagkukulang sila sa Itogon landslide

Aminado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may pagkukulang sila sa nangyari sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Sabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones, may pagkukulang sila sa usapin ng pagpapatupad ng mga regulasyon.

Kulang rin aniya sila ng suporta mula sa lokal na pamahalaan para maipatupad ang mga polisiya.


Naniniwala naman si Leones na may mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nakikinabang sa pagmimina.

Facebook Comments