AMINADO | DepEd, aminadong hindi pa handa ang ilang paaralan sa balik-eskwela sa June 4

Manila, Philippines – Ilang araw bago ang pasukan inamin ng Department of Education (DepEd) na hindi pa lahat ng pampublikong paaralan ay handa na sa pagbubukas ng school year sa Hunyo 4.

Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Lorenzo Mateo, 86 porsiyento pa lang mga paaralan sa bansa ang handa na para sa pasukan.

Sinabi naman DepEd Secretary Leonor Brioens na hindi lahat ng paaralan sa Marawi City ay magbubukas sa Hunyo 4.


Aniya, mahigit 20 eskwelahan kasi sa Marawi City ang hindi na pwedeng magamit.

Kasabay nito, inilunsad ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang bantay balik eskwela.

Giit ni Joselyn Martines, Union President ng ACT, may sarili silang checklist kung nagawa ng DepEd ang assignment nitong pagbutihin ang edukasyon sa Pilipinas.

Hinihikayat rin ng ACT ang kapwa nila mga guro na kunan ng litrato o video ang mga kakulangan sa libro, silid aralan at iba pang pasilidad ng eskwelahan at ipadala sa kanila.

Facebook Comments