Manila, Philippines – Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa 44 pa lang mula sa 68 na flood control project ang kanilang nakukumpleto.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nabinbin ang mga proyekto dahil puro officers-in-charge lang ang humawak sa ahensiya hanggang sa maitalaga si Danilo Lim bilang chairman noong Mayo 2017.
Sa report ng Commission on Audit (COA), higit P3 bilyon lang ang nagamit ng MMDA mula sa higit P5 bilyon inilaan para sa flood control projects noong 2017.
Gayunman, tiniyak ng MMDA na nitong Hulyo ay makukumpleto na ang proyekto.
Kasalukuyang nagsasagawa ang MMDA ng dredging para malinisan at malaliman ang creek na mapapabilis raw ang paghupa ng baha sa lugar.
Facebook Comments