Manila, Philippines – Inamin ni dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas na noon pang buwan ng Marso niluto ang kudeta laban kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sinabi ni Fariñas na noon pa siya nilapitan ng mga pro-GMA para tumalon ng bakod at iwan si Alvarez.
Ayon kay Fariñas, kapalit ng panghihimok sa kanya na lumipat ng bakod ay ang pananatili niya bilang majority leader pero tinanggihan niya ito.
Maging noong July 23 ay nilapitan umano siya ni Surigao del Sur Representative Prospero Pichay para alukin muli na lumipat na sa pro-GMA group ngunit tinanggihan niya muli ito.
Samantala, aminado si Quezon Representative Danilo Suarez na nasaktan siya sa pagtalikod sa kanila ni ABS Partylist Representative Eugene Michael de Vera.
Si De Vera ang natira sa orihinal na minority group na hindi bumoto sa pagka-Speaker ni Gloria Arroyo.
Sinabi ni Suarez na masakit na iniwanan sila ni De Vera sa minority na matagal nilang nakasama sa Minority.