AMINADO | LTO, hirap na hulihin ang mga tricycle na bumibiyahe sa lansangan

Manila, Philippines – Aminado si LTO Law Enforcement Director Francis Almora na hindi nila basta agad mahuhuli ang mga tricycle na dumadaan sa National Road dahil sa mga Ordinansang ipinatutupad ng mga Local Govt. Unit.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Almora na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa Prangkisa na ibinigay ng LGU dahil hindi nila mahuli huli ang mga tricycle na lumalabag at dumadaan sa pangunahing Ruta ng o sa National Road dahil mayroon namang Ordinansa dito ang LGU.

Paliwanag naman ni dating LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton na napupulitika na ang usapin sa Tricycle dahil pinapahintulutan ng mga LGU na dumadaan sa National Road na lubhang napakadelikado sa mga pasahero.


Bukod dito aniya ay problema rin ang mga tricycle na walang Prangkisa lalo na sa mga Probinsiya nabkaramihan ay walang Personal Pasengers Insurance kayalubhang napaka delikado umano ang mga pasaherong posibleng madisgrasya dahil walang Personal Passengers Insurance ito.

Umapila si Inton sa DOTr na pag aralan ang naturang usapin ang gumawa ng Department Order upang ikonsidera ang naturang problema ng mga tricycle.

Facebook Comments