AMINADO | Magandang pagkakaibigan ni Kris Aquino at Herbert Bautista, hindi nagtapos

128

Manila, Philippines – Kinilig ngayon ang madla sa Instagram post ng queen of all media na si Kris Aquino patungkol kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa ipinost ni Kris sa Instagram, makikita ang dalawa na nagdinner, kasama ang iba pang kaibigan.

Sinabi ng aktress na bagama’t hindi happily ever after ang romantic relationship nila ni Mayor Herbert noong 2014 ay hindi naman daw ito nagtapos.

Say ng queen of all media, nagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan kung saan wish daw ni Mayor Herbert na makabalik si Kris sa kanyang magandang kalusugan.

Suportado rin anya ng Alkalde ang kanyang mga prayoridad at hinimok siyang huwag pumasok sa pulitika.

Taong 2014 nang umamin si Aquino na inalok siya ni Bautista ng kasal pero hindi ito natuloy dahil umano sa marami ang tumutol.

Facebook Comments